Edukasyon ang kayamanang sandata ng bawat tao upang magtagumpay sa buhay. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan upang ang isang tao ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Bawat taong nabubuhay dito sa mundo ay may kani-kaniyang pangarap. Upang makamit ito ay kailangan munang magdaan sa proseso ng pag-aaral na may malaking papel na ginagampanan sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi natin alam at ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na inaakala nating imposible ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili, at pagsisikhay para lang maabot ang pinakamimithing pangarap.
Pagpasok ng taong ito, mas lalo kong pinagbutihan ang aking pag-aaral upang mas malinang ang aking kaalaman at patunayang unti – unti na pagtatagumpayan ko rin ang aking buhay.Isang bunga ng aking pagsisikap ay ang pagtanggap ko ng pagkilala bilang isa sa mga estudyanteng may karanglan o isa sa may matataas na marka sa aming klase. Malaking kasiyahan ito para sa akin at sa aking pamilya dahil ito ay sumisimbolo sa aking buong pusong pagpapahalaga sa oportunidad na makapag-aral at pagpapasalamat sa aking mga magulang para sa kanilang pagpupunyagi para sa aming magkakapatid.
Malapit ko nang harapin ang susunod na yugto ng aking buhay, ang pag-aral sa kolehiyo. Nais ko sanang makapag-aral sa unibersidad na aking pinpangarap, ang Unibersidad ng Santo Tomas. Wala pa mang kasiguraduhan sa pangtustos sa aking pag-aaral sa ngayon, ninais ko pa ring makakuha ng entrance exam dito. Dahil sa kabutihan ng Diyos, ako ay nagkararon din ng pagkakataong makakuha ng eksminasyon sa University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines. Ang oportunidad na ito ay lubos na nagbigay saya sa akin sapagkat sa pamamagitan nito ay unti unti ko nang tinatahak ang aking mga pangarap.
Sa murang edad ay kailangang pinaplano na ang kinabukasan. Kailangang alam na kung ano ang nais makamit upang di masayang ang oras. Lahat tayo ay nangangarap na magtagumpay. Kaya sa bawat oras at pagkakataon na ipinagkakaloob sa atin, dapat tayong maging positibo at determinadong tahakin ang daan patungo rito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
Blogging,
Tenessee Perez
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento